MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 39-anyos na vendor matapos irek-lamo nang paulit-ulit na panggagahasa sa kaniyang dala-wang anak na menor de edad, sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspect na si Allan Aalah, 39, ng Cayetano St.. Tondo.
Dakong alas-10 ng umaga kahapon sa Asuncion St. dinakip ang inireklamong ama habang nagtitinda, gayunman itinanggi nito ang akusasyon ng kanyang mga anak itinago sa pangalang Mara, 15, at Clara, 12 anyos.
Sa reklamo ni Mara, noon pang Enero sinimulan siyang pagsamantalahan ng ama at kamakalawa ng gabi nang tangkain ng ama na muli siyang gahasain ay tumakbo siya palabas ng bahay at nagsumbong sa kanilang barangay.
Depensa pa ng suspect, ginulpi niya ang anak nang mahuli na nakikipag-romansa sa nobyo.
“ Sila ang buhay ko, kung sa pagkakataong ito ay gusto nila akong mamatay tatanggapin ko,” pahayag ng suspect na nakapiit sa City Hall detachment.