Driver itinumba sa harap ng bahay

MANILA, Philippines- Patay ang isang tsuper matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaki sa tapat mismo ng bahay nito habang ang una ay nag-aayos ng kanyang motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si Mario Lagrisola, 23, ng Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision ng nasabing lungsod. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Larry Fajardo, alyas Ekin at isa pang hindi nakilalang lalaki na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaril. Naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa ha­rapan mismo ng bahay ng biktima habang inaayos ng biktima ang motorsiklo nito nang dumating ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una. Hanggang sa kasalukuyan naman ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente.  

Show comments