51-anyos inutas ng ka-lugar

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang lalaki ng kanyang ka-lugar dahil naghihinala ang suspect na karelas­yon ng biktima ang misis ng una sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Diardo dela Cruz, 51, ng Fortune Drive St., Fortune 5, Brgy. Parada ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Teodoro Tabalan. Dakong alas-8 ng gabi nang makitang patay ang biktima sa isang eskinita sa nasabing lugar.

Nakuhanan pa umano ng CCTV na nakakabit sa lugar ang suspect na si Tabalan na nagmamada­ling tumatakas. Nabatid na bago ang insidente ay nilabasan na ng palakol ng suspek ang biktima matapos maghinala na kalaguyo ni Dela Cruz ang kanyang asawa.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing kaso.   

Show comments