Manila, Philippines - Isa lamang umanong basura at panghaharas ang isinampang plunder case ng Road Users Protection Advocates (RUPA) laban sa mga opisyal at director ng Stradcom Corporation dahil ang kaso ay pawang walang basehan at walang merito.
Ayon kay Stradcom Spokesperson Margaux Salcedo, ang naturang kaso ng general statements na hindi man lamang nagpapakita ng plunder para kasuhan ang naturang mga opisyal ng kompanya.
Kinuwestiyon din ni Salcedo ang kredibilidad ni Mr. Raymundo Junia ng RUPA dahilan sa may ibang grupo umano ang gumagawa ng hakbang para lamang sa personal na interest at hindi para sa kapakanan ng taumbayan.
Batay sa reklamo ng RUPA sa Ombudsman, nakapaningil ng interconnectivity fees ang Stradcom sa mga motorista dahil sa pagpayag ng LTO.
Anya, ang interconnectivity issue ay matagal nang isyu at ito ay nasa Korte Suprema na kaya hindi maaaring gamitin ito ng RUPA para siraan ang naturang kompanya.