Fetus kuha sa drainage

Manila, Philippines - Hinihinalang ipina-abort ang isang tinatayang 4-na-buwang fetus na lalaki na natagpuan sa isang drainage sa Parola Compound Tondo, Maynila. Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa loob ng isang drainage sa may Gate 20, Parola Compound Tondo. Walang anumang balot o sapin ang fetus na sariwa pa ang dugong nakakapit sa katawan nito. Walang nakuhang impormasyon ang imbestigador kung sino ang nagtapon ng nasabing fetus. Inilagak na lamang ito sa St. Patrick Funeral.

Show comments