Lasing nabugbog-sarado

Manila, Philippines - Bugbog-sarado ang isang 26-anyos na binata nang pagtulu­ngang bugbugin sa kanilang barangay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Subalit nang mahimasmasan ang biktimang si Rolando Pascua Jr. ng Dagupan Ext., Tondo, ay nagharap naman ito ng reklamo sa Manila Police laban sa mga gumulpi sa kanya.

Kabilang sa kanyang inireklamo ay sina PO1 Lester Caguintuan, nakatalaga umano sa MPD-Station 3, Blumentritt-Police Community Precinct at pinsan umano nitong si Kagawad Noel Caguintuan, ng Brgy.164 Zone 14 District 2; Patricio de Vera, Edgar Gardayon at Ramon Dalmacion. Dakong alas-12:20 nang mangulit si Pascua sa kanilang lugar sa kahabaan ng Dagupan Extension, Tondo, Maynila dahil sa sobrang kalasingan kaya inimbitahan ito ni Kagawad Caguintuan at pinsang pulis. Sina­sabing patuloy pa rin ito sa pangungulit kaya marahil nakatikim ito ng bugbog sa mga residente.

Show comments