Trike driver, kritikal sa ambush

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang tricycle driver matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga di kilalang suspek habang bumibiyahe sa Pasig City kamaka­lawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Erwin Bartolome, 23, binata, ng Brgy. Palatiw, Pasig City, bunsod nang tinamong tama ng bala sa noo, at iba pang parte ng katawan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insi­dente.

Naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi habang namamasada umano ang biktima sa kanyang tri­cycle sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St. sa Brgy. Palatiw.

Abala sa paghahanap ng pasahero ang biktima nang bigla na lang itong harangin ng mga suspek at paulanan ng bala, bago mabilis na tumakas. Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng tangkang pagpatay sa biktima.

Show comments