Manila, Philippines - Pinagtulung-tulungang saksakin ng limang lalaki ang isang 45-anyos na kargador sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Sonny Botolan ng Llanera St., Tondo dahil sa dami ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nangangalap pa ng impormasyon ang pulisya sa pagkikilanlan ng mga nakatakas na suspect.
Dakong alas-7:47 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng C.M. Recto Ave. at Tabora Sts., Binondo.
Ayon sa ulat, habang itinutulak ng biktima ang kanyang kariton ay biglang lumapit ang limang kalalakihan at pinalibutan ito at pinagtulungang saksakin.