Pagbabaklas ng billboards, sinimulan ng MMDA

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ng Metropolitan Manila Development Authority­ (MMDA) na baklasin ang mga iligal na billboards sa kahabaan ng EDSA na posible umanong magdulot ng pa­nganib sa mga motorista at publiko.

Tatlo pa lamang billboards tarpaulins ang natitiklop ng MMDA sa kahabaan ng Guadalupe, Balintawak at Pasay City. Inumpisahan rin naman ang tuluyang pagbaklas sa is­truk­tura ng billboard na naapektuhan ng sunog sa Laperal Compound, sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Umaabot umano sa 2,000 mga billboards ang isina­ilalim sa inspeksyon ng MMDA sa kahabaan ng EDSA, Roxas Boulevard at C-5 Road upang mabatid kung sumusunod sa iti­natadhana ng Building Code of the Philippines. Ang mga madi­diskubreng­ lumalabag dito ay bibigyan ng 15-araw na notice upang sila na mismo ang magbaklas ng kanilang mga itinayong istruktura o magtama ng ibang nakikitang pag­labag nila.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na napagkasunduan umano nila at ng mga organisasyon ng mga outdoor advertisers na tiklupin muna ang mga tarpaulin ads kung makikitang lumalabag sa batas.

Show comments