2 suicide sa Navotas

MANILA, Philippines - Patay ang isang dalagita matapos uminom ng silver cleaning solution sa loob ng kanyang kuwarto, habang nagbigti naman ang isang mister sa loob ng kanilang bahay sa magka­hiwalay na insidente sa Navotas City, iniulat kahapon.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Jamie Tamayo­, 15, high school student, ng Kapalaran Uno, San Roque ng nabanggit­ na lungsod.

Dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi, nang makitang bumubula ang bibig ni Tamayo sa loob ng kanyang kuwarto na naging dahilan upang dalhin ito ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, dakong alas-4:00 kahapon ng umaga,   nang makitang nakabigti si John Roland Garcia, 32 sa loob ng kanilang bahay sa Apahap St., Brgy. North Bay Boulevard South ng lungsod na ito.

Isinugod din si Garcia sa Tondo Medical Center, subalit hindi na rin ito umabot ng buhay. Inaalam pa ng pulisya ang mga motibo sa pagpapaka­matay habang tinitingnan din kung may naganap na foul play sa dalawang insidente.

Show comments