MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon ng kasong frustrated murder ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Special Investigation Task Group (PNP-CIDG-SITG) si Rosel Jacosalem Peñas ng kasong kidnapping with frustrated murder sa pagtangay at bigong pagpatay sa aktes na si Pilar Pilapil noong Abril 14.
Ayon kay PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., ang kaso ay kanilang isinampa sa Antipolo City Prosecutors Office.
Sinabi ni Pagdilao bukod kay Peñas ay kasama rin sa kinasuhan ang dalawang kasabwat nitong lalaki na nasa likod ng pagtangay kay Pilapil na pinagsasaksak at duguang itinapon sa La Piedra Subdivision sa Brgy. San Luis, Antipolo City.
Ayon kay NCR–CIDG, Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel, naniniwala sila na planado ang paghuhudas ni Peñas kay Pilar ma tapos itong magsinungaling sa actress sa tunay na estado at trabaho nito kung saan lumilitaw na nakipagsabwatan ito sa mga suspect.