Dahil sa titig, kelot binoga ng maton

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa titig malubhang nasugatan ang isang lalaki matapos na barilin ng siga sa kanilang lugar, kamakalawa sa Navotas City. Nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Elmer Marquilas, 42. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Rodolfo Cruz, alyas Maton, ng na­sabing lugar. Sa ulat ng pulisya, nabatid na alas-11:30 ng gabi, nakabisekleta ang biktima at nang madaan sa De Asis St., ay napatitig ito sa suspek na nakikipag-inuman naman sa ilang kabarkada. Nagalit ang suspek at agad na nagbunot ng baril hanggang hinabol ang biktima at binaril. Agad na dinala ang biktima sa naturang pagamutan ng ilang nakasaksi sa insidente habang mabilis namang tumakas ang suspek.

Show comments