Bagong silang na sanggol dinukot sa ospital

Manila, Philippines - Inalarma ng Manila Police ang publiko laban sa gumagalang ‘nurse’ sa mga pampublikong ospital na kumukuha ng mga bagong panganak na beybi. Ito ay makaraang dumulog ang isang 27-anyos na driver hinggil sa pagnanakaw ng isang nakasuot ‘nurse’ na babae sa kasisilang pa lamang na sanggol sa Ospital ng Maynila, kamakalawa ng gabi.

“Medyo grogi, hilo pa yung misis ko, sabi niya itinabi na ’yung anak niya sa kama niya. Tapos may dumating na nurse, medyo mataba, kinuha ’yung beybi namin kasi titimbangin lang daw,” ani Joel C. Villamor, live-in partner ng nanganak na si Mary Grace Cawili, 17.

Sa reklamo ni Villamor, Huwebes (Abril 28) dakong ala-1:04 ng hapon nang magsilang si Mary Grace ng isang sanggol na babae na may timbang na 2.7 kilos at nakakabit pa ang tag no.668443 nang dalhin sa Room 201 at itabi sa ina noong gabi na. Dakong alas-11 ng gabi nang pumasok umano sa nasabing silid ang suspect at kinuha ang beybi hanggang sa hindi na ito naibalik at nakita pa. Dahil sa wala pa ang beybi, inireklamo nila ito sa director ng ospital na si Dr. Janet Tan na nagpa-imbestiga naman ka­agad.

Show comments