Professor natagpuang patay

MANILA, Philippines - Isang university professor ang natagpuang patay at tad­tad ng saksak sa katawan sa loob ng inuupahan nitong apartment sa Camarin, North Caloocan.

Nakilala ang nasawi na si Jose Calalung, 47, tubong Albano­, Isabela at residente ng Lancer St. Broxtonville, Brgy. 175, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa kaanak ng biktima nawawala umano ang laptop­ at cellphone ng nasawi.

Bago natuklasan ang krimen, isang kaibigan umano ang bumisita sa tinutuluyan ng biktima dakong alas-7 ng gabi kamakalawa at doon nasilip nito na nakahiga sa may sala ang biktima. Inakala nitong natutulog lang ang biktima subalit ilang ulit niya itong tinawag ay hindi pa rin sumasagot.

Napilitan itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at doon natuklasan na patay na ito sanhi ng mga saksak sa katawan. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.   

Show comments