Marlene Aguilar pinagmulta ng korte

MANILA, Philippines - Pinagmumulta ng Quezon City RTC Branch 219 ang ina ni road rage suspect Jason Ivler na si Marlene Aguilar nang hamunin nito ng suntukan ang hukom   habang isinasagawa ang paglilitis laban sa kanyang anak. Sa kautusan na inilabas ni QC RTC Branch 219 Judge Bayani Vargas noong Abril 15, 2011, napatunayan umano na nagkasala si Aguilar ng indirect contempt kaya nararapat lamang itong pagmultahin ng P20,000 .

Kasabay nito, binalaan din ng korte si Aguilar na papatawan ng mas mabigat na parusa o pagkakakulong kapag naulit pa ang ganitong insidente. Noong Marso 23, nagpakita ng hindi magandang asal si Aguilar nang hamunin nito ng suntukan si Judge Vargas sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong murder na kinakaharap ng kanyang anak.   

Show comments