Presyo ng petrolyo dapat bumaba na ngayong linggo - DOE

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Department of Energy­ (DOE) ang posibleng pagbaba sa presyo ng petrolyo sa bansa ngayong linggo. Hindi naman nagbigay ng eksaktong numero si Energy Secretary Jose Rene Almendras dahil­ sa kinakailangan umanong hintayin muna niya ang galaw ng mga kompanya ng langis bago sila magkomento. Ibinase ng DOE ang ina­asahang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa umaayos nang kala­gayan ng Japan na hindi na masyadong na­ngangailangan ngayon ng krudo, pagbubukas ng ilang refineries sa Tsina at South Korea. Inaasahan na bababa ang mga presyo ng premium, unleaded at re­gular gasolina, diesel, at kerosene habang ina­asahang mananatili naman ang presyo ng “liquefied petroleum gas (LPG)”.

Show comments