Kelot itinumba ni Igan

MANILA, Philippines - Patay ang isang 35-anyos na lalaki makaraang barilin ng hinihinalang kababayan nito, sa Quiapo, Maynila, kama­kalawa ng gabi. Tuluyang nasawi habang ginagamot sa Metro­politan Medical Center ang biktimang si Unos Bacaraman, ng Saguiran Lodge, Arlegui St., Quiapo dahil sa tama ng bala sa katawan. Hindi pa matukoy ang pagkilanlan ng suspect na sinasabing isa ding Muslim na tumakas matapos ang pama­maril. Sa ulat ni SPO4 Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Arlegui St., malapit sa Quezon Boulevard Ave., Quiapo, Maynila. Nagkasalubong lamang umano ang biktima at suspect at panandaliang nag-usap sa salitang Muslim hanggang sa nakita na lamang na bumunot ng baril ang suspect at mabilis na pinutukan ng malapitan ang biktima, bago tumakas sa direksiyon ng Globo de Oro St.

Show comments