MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 23-anyos na lalaki matapos na ireklamo ng umano’y pangmu-molestiya sa 11-anyos na kapitbahay sa Pasig City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Patrick John Martinez, ng Suarez Village, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ang suspek ay inaresto bunsod ng reklamo ng 11-anyos na kapitbahay na naganap dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa.
Nabatid na nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek, upang makipagkuwentuhan sa lola nito.
Gayunman, ang suspek lamang umano ang inabutan ng bata sa bahay kaya’t dito na lamang umano siya nakipagkuwentuhan, dahil kilala rin naman niya ito.
Maya-maya ay niyaya na umano ng suspek ang bata sa loob ng kaniyang kuwarto.
Pumayag naman ang inosenteng bata, ngunit laking pagkagulat umano niya nang pilit siyang hubaran ng short at panty ng suspek, bago ito naghubad din, at saka siya pinaghahalikan.
Pilit rin umanong ipinasusubo sa kaniya ng suspek ang ari nito, at ipinapasok sa kanyang kaselanan, kaya’t nag-iiyak ang biktima. Ikinataranta naman umano ng suspek ang pag-iyak ng biktima kaya’t hindi na nito itinuloy ang ginagawa at sa halip ay pinayagan itong makauwi.
Nagsumbong naman ang biktima sa kaniyang mga magulang, na siyang nag-report sa pulisya at nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.