Karinderya, jeep inararo ng SUV: 1 patay

MANILA, Philippines -  Isang lady cook ang nasawi nang masapol siya nang nawalan ng kontrol na Tamaraw FX na umararo sa isang ka­rinderia at isang nakaparadang jeepney sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Mary Jane Santa Ana-Varona, 35, ng Quirino highway, Brgy. Lagro Novaliches.

Nawasak naman ang karinderia ni Rose Aguas-Huerma at pampasaherong jeepney ni Arsenio Domingsil, 48, na pawang naninirahan sa nasabing lugar.

Natukoy naman ng awtoridad ang driver ng FX na si Melvin Sarzuela, 22.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Quirino Highway sa harap ng Our Lady of Fatima University Hilltop Subdivision, Brgy. Lagro ganap na alas-11 ng gabi.

Binabaybay ni Sarzuela sakay ng kanyang Tamaraw FX (CWA-136) ang Quirino Highway ga­ling sa Regalado Avenue patungong Bulacan nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang itong lumihis pakaliwa dahilan para tamaan nito ang tindahan ni Aguas.

Nakatayo naman sa harap ng tindahan si Santa Ana at tinamaan ito ng FX saka tuluy-tuloy patungo sa nakaparadang pampasaherong jeepney ni Domingsil.

Inihahanda na ang kaso laban sa suspect na driver.  

Show comments