Sekyu shinotgun ng kasamahan

MANILA, Philippines - Patay ang isang sekyu makaraang barilin ng kanyang kasamahan na sinita ng una dahil late ang huli ng sampung minuto sa pagrelyebo sa kanya kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Nakilala ng nasawi na si Arnel Aguilar, 20, ng Frazer Security Agency at stay-in sa Vexxon Compound, Narciso St., Service Road, Brgy. Canumay East ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa tiyan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ruel Talo-Talo, kasamahan ng biktima sa trabaho.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa loob ng bina­ban­tayang compound ng mga ito.

Nabatid na huli ng sampung minuto ang pagdating ng suspek sa trabaho dahilan upang sitahin ito ng biktima na siya nitong papalitan sa duty hanggang sa nagtalo ang dalawa.

Nasa kainitan ng diskusyon nang biglang kunin ng suspect ang shotgun at iputok sa biktima saka mabilis na tumakas.

Show comments