3 kelot 'swak' sa droga

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga operatiba ng Quezon City Police­ District (QCPD) ang tatlong kalalakihang sangkot sa paggamit at pagtutulak ng droga sa lungsod matapos ang isinagawang anti-drug operation dito, ayon sa pulisya kahapon.

Nakilala ang mga suspect na sina Joel Cachela, 31; Marnelli­ Sudario, 32 at Liza Pangilinan, 39.

Ang mga suspect ay nadakip sa magkakahiwalay na anti-drug operation ng Galas Police Station 11 at Cubao Police Station-7 ng QCPD alinsunod sa kanilang kampanya na sugpuin­ ang paglaganap ng droga sa lungsod.

Ang mga suspect ay nakapiit ngayon sa dalawang himpilan ng pulisya sa kasong paglabag ng Republic Act 9165.

Show comments