2 biktima ng salvage, natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawa namang lalaking hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuang nakabulagta sa magkahiwalay na kalye sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang unang biktima na natagpuan sa Laong Laan St., malapit sa Asturias St. sa Sampaloc, Maynila ay inilarawan sa edad na 35 hanggang 40, may taas na 5’ hanggang 5’1 talampakan, katamtaman ang katawan, may nunal sa ibabaw ng bibig, nakasuot ng maong na pants at polo shirt at tsinelas na puti.

May marka ito ng sakal sa leeg at saka binalutan ng pack­aging tape ang mukha at natagpuan dakong alas-5:00 ng madaling-araw.

Samantala, ang ikalawang biktima ay natagpuan sa harap ng isang bahay sa Antipolo at Fajardo Sts., Sampaloc, Maynila. Inilarawan itong nasa gulang na 40 hanggang 50, may taas na 5’4 talampakan, kayumanggi, katamtaman ang katawan at nakasuot ng slacks na itim at sando.

Bukod din sa marka ng sakal ay bugbog din ang mukha nito.

Show comments