Dalaga natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Nalitson ang isang dalaga makaraang masunog ang inuupahan nitong bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Halos hindi na makilala sanhi ng matinding pagka­sunog ang biktimang si Ma­rites Jose, 31, ng Maybell Subdivision, Brgy. Llano ng nasabing lungsod. Base sa isinagawang imbestigasyon ni SFO4 Randy Resureccion ng Caloocan City Fire Department, dakong ala-1 ng madaling-araw nang bigla na lamang magliyab ang bahay ng biktima. Sa inisyal na ulat, po­sibleng sa napabayaang kan­dila nagsimula ang sunog. Dahil sa gawa lamang sa light materials ang bahay ng biktima kaya’t mabilis itong nilamon ng apoy hanggang sa natupok.

Show comments