Seaman binoga sa mukha, dedo

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang seaman makaraang barilin ng malapitan ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay PO3 Alden Lassam ng Police Station 6 ng QCPD, ang biktima na si Jose Basco, 64, sa no. 05 Bonifacio St., Brgy. Bagong Silangan, Q.C. ay nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kanang mukha at naglagos sa kaliwang tenga na agad nitong ikinamatay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay ay lumapit ang isa sa mga suspect na bumunot ng baril at pinaputukan ang una.

Narekober sa lugar ang isang deformed na slug at dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Patuloy ang pagsisiyasat upang matukoy ang motibo ng naturang pamamaril.

Show comments