MANILA, Philippines - Kamatayan ang naging kapalit sa panghihinayang na tuluyang mawalan ng tsinelas ang isang 6-anyos na batang lalaki makaraang malunod matapos dumausdos pababa ng estero sa paghabol sa nahulog na tsinelas, kamakalawa ng gabi, San Miguel, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Francis Jay Aquino, ng Sto.Tomas Dormitory, Legarda St., Sampaloc, Maynila. Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tabi ng Estero de Sampaloc, sa J.P. Laurel, San Miguel.
Nabatid na nahulog ang tsinelas ng paslit at nang sagipin niya ito ay tuluyang dumausdos ito sa estero.