MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na tinatayang edad na 15 hanggang 17 ang lumutang sa malapit sa Pier 16, North Harbor, Maynila, kahapon ng umaga. Sa paglalarawan ni PO2 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay may taas na 5’2 at katamtaman ang pangangatawan.
Nabatid na dakong alas-11:30 ng umaga ng makita ng isang Edgardo dela Cruz, crane operator ang bangkay na agad namang inireport sa awtoridad. Lumilitaw na isang grupo umano ng kabataan ang nag-swimming sa breakwater na sakop ng Happyland at isa sa kanila ang hindi na natagpuan nang tangayin ng alon.
Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Patrick Funeral Homes.