Coed nakipag-eyeball sa ka-chat, niluray

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang nursing student na ang kanyang pakikipagkaibigan sa internet ang naging dahilan ng kanyang kapahamakan matapos itong pagsamantalahan ng kanyang ka-chat nang unang “mag-eyeball” o magkita ang mga ito kamakalawa sa Caloocan City.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Janice, 19, ng Block 2, Pines T. Sherwood Heights Subdivision, Tandang Sora, Quezon City.

Nakakulong naman ang suspek sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong rape ang suspek na si   Jeffrey Calara, 24, driver, at naninirahan sa Panday Pira, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa bahay ng pinsan ng suspek sa 4th Avenue, Caloocan City.

Base sa pahayag ng biktima, napagkasunduan nila ng suspek na magkita sa Balin­tawak matapos ang halos isang buwang pagkakaibigan ng mga ito sa internet.

Pagdating sa Balintawak ay nag-usap ang biktima at ang suspek kung saan nag­pasama pa ang huli sa 4th Avenue na pinaunlakan naman ng dalaga kung saan pagdating sa naturang lugar ay napagkasunduan na mag-inuman ng mga ito.

Makalipas ang ilang sandaling tagayan ay bigla na lamang nahilo ang biktima hanggang sa ito ay maka­tulog subalit pagkagising nito ay bukas na ang zipper ng kanyang palda at tanggal na rin ang mga butones ng blouse nito at doon isinaka­tuparan ang panghahalay.

Tinakot pa umano siya ng suspect na huwag magsusumbong kaninuman bago siya tuluyang pinauwi. Sa fol­low-up operation ay nada­kip ang suspect.

Show comments