MANILA, Philippines - Mula sa dating isang milyon ay itinaas sa dalawang milyon ang ibibigay na pabuya sa sinumang makapagtuturo sa killer ni Jun Torres, mas kilala sa tawag na JT, political adviser ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr.
Naiinip na si Mayor Abalos dahil isang buwan na bukas (Marso 5) mula nang paslangin si JT ay hindi pa rin nadarakip ng pulisya ang salarin sa kabila ng sunud-sunod na isinasagawang follow-up operation.
Anang Alkalde, bukod sa binuong Task Force Torres ng PNP ay hiningi na rin niya ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para pumasok sa imbestigasyon at ginagawang pagtugis sa mga salarin ni JT at upang matukoy ang utak ng krimen.