Hindi na naibalik ang pera, pati buhay kinuha pa

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang obrero na ang pagkuha niya sa perang kanyang ipi­­natago sa kaibigan ang ma­giging dahilan ng kanyang ka­matayan matapos na sak­sakin ito ng huli kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay habang gina­gamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Alfred Quin­tan, 23, alyas Kalbo at residente ng Libis Espina St. EDSA, Caloocan City na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas “Bayag” ng Dandan Extension Tondo, Maynila. Ayon sa ulat, naganap umano ang insi­dente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Mata St. at Dandan Extension, Tondo, Maynila.

Natiyempuhan umano ng biktima ang suspect na mata­gal na nitong hina­hanap­ upang kunin ang perang kanyang ipinatago na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa saksakin ng suspect ang biktima saka tumakas.

Show comments