Sunog sa Tondo: 120 pamilya nawalan ng bahay

MANILA, Philippines - Umabot sa 120 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang may 60 maliliit na kabahayan na pawang gawa sa light materials sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dakong alas-3:09 ng madaling-araw nang magsimula ang apoy sa bahay na inuupahan ng isang Maximo Morato sa Interior 3 S. Trinidad cor. Juan Luna Sts. at idineklarang fire-out dakong alas-5:30 ng umaga.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy na hindi pa natukoy ang pinagmulan na umakyat sa 5th alarm.

Tinatayang nasa 25 milyong ari-arian ang nasunog. Wala namang nasaktan o nasugatan sa naganap na sunog.

Show comments