Anne Curtis nawalan ng alahas sa eroplano

MANILA, Philippines - Nawalan ng mamahaling alahas sa loob ng eroplano ang aktres na si Anne Curtis matapos niyang makalimutan ang hand-carried paper bag sa loob ng business class ng eroplanong Cathay Pacific Airlines nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 galing Hong Kong, kahapon ng madaling-araw.

Napag-alaman na nagtatakbo pabalik ng eroplano sina Curtis, Jericho Rosales at Jake Cuenca nang maalala ng una na hindi niya na­dala ang paper bag na kinalalagyan ng kanyang alahas.

Ayon sa ulat, isang singsing na may halagang US$600 ang nawawala. Ang nasabing alahas ay nabili ni Curtis sa Hong Kong nang magtungo sila rito. 

Gayunman, isang imbestigasyon ang isasagawa ng mga awtoridad sa pa­­­liparan para madakip ang salarin.

Show comments