Nakaburol na ginang, na-'cremate' sa sunog

MANILA, Philippines –  Nataranta ang mga naglalamay sa burol ng isang ginang matapos sumiklab ang sunog na naging dahilan upang ma-double dead ang bangkay at tuluyang maabo ang ataul nito sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Tinatayang nasa 20 kabahayan ang natupok sa hindi pa natukoy na halaga ng ari-arian, sa sunog na naganap dakong ala-1:38 ng hapon sa Kundiman at Tuazon Sts. sa Brgy. 546, District 4.

Batay sa naging pahayag ni Brgy. Kagawad Ricky Bermudez, isang Carlita Taop, 65-anyos ang na­kaburol sa na­sunog na bahay na na­iwan ng mga kaanak at kapitbahay.

Bukod sa matandang bangkay kasi, isa pang nakaburol na alyas “Miguel” ang naitakbo palabas ng bahay kaya hindi nasunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ang naganap na sunog na uma­bot sa ika-4 na alarma at idineklarang fire-out dakong alas-2:20 ng hapon.

Show comments