Tsuper inutas dahil sa biruan

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagkapikunan sa biruan kaya pinagsasaksak at napatay ang isang tsuper ng taxi habang sugatan naman ang kasama nito kamakalawa ng gabi sa Bagong Silang, Caloocan City. Nasawi habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital si Levito Tesorero, 59, ng Block 123 Lot 23, Phase 8-A, Package 11, Barangay 176. Sugatan naman si Favian Din Jr., 24, kapitbahay ng biktima habang naaresto naman ang suspek na si Angelito Villacampa, 28. Sa imbestigasyon ni SPO3 Dicoroso Domingo, magkakasamang nag-iinuman ang mga biktima at suspek nang magkapikunan sa biruan. Dito na nauwi sa suntukan hanggang sa maganap ang pamamaslang.

Show comments