MANILA, Philippines - The situation is under control, the PNP is in good hands!
Ito ang ginawang pagtatanggol ng ilang opisyal sa liderato ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Raul Bacalzo kaugnay naman ng serye ng karahasan partikular na sa Metro Manila kabilang ang karumal-dumal na pagpatay sa mga car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano na kapwa na-carjack sa Quezon City noong Enero 12 at 13.
“Maayos ang pamamalakad ni Director General Bacalzo at masyado pang maaga upang pag-usapan kung sino ang nararapat na humalili sa kanya sa puwesto,” pagtatanggol ni Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Southern Luzon Chief Director Rolando Anonuevo.
Ginawa ni Añonuevo ang pahayag bilang reaksyon sa naglabasang ?batikos laban Bacalzo kasunod ng paglobo ng serye ng kriminalidad sa bansa. ??Si Añonuevo ay isa sa mga opisyal ng PNP na sinasabing napupusuan ng mga retiradong opisyal para sa posisyon ni Bacalzo.??
Si Bacalzo ay nakatakdang magretiro sa September 15 ngayong taon subalit umugong ang panawagang magbitiw na ito sa puwesto dahil sa umano’y kabiguan nitong tugunan ang pagtaas na kaso ng kriminalidad sa bansa.??Si Bacalzo ay miyembro ng Philippine Military Academy Class ’77 at itinalaga ?bilang PNP Chief noong September 14 kapalit ni dating PNP Chief ret. Director General Jesus Verzosa na mas piniling magretiro bago pa man ang kanyang kaarawan noong Dis. 25.
Samantala, ang iba pang posibleng maglaban sa puwesto bilang Chief PNP ay sina Deputy Director General Benjamin Belarmino Jr. ang number 3 man sa PNP at Chief Supt. Rey Lañada na siyang Director ng PNP Finance Service.
Sa ilalim ng RA8551 o the PNP Reform and Reorganization Act of 1998 nakasaad na ang PNP Chief ay nararapat na magsilbi ng isang taon sa serbisyo bago ito maitalaga bilang hepe ng pambansang pulisya.