Koreano hulog mula sa ika-22 palapag, patay

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan pa ngayon ng Pasay City Police kung may naganap na foul play sa pagkakalaglag buhat sa ika- 22 palapag ng Park Avenue Mansion ang isang Koreano   na natagpuan nang patay sa ibaba ng gusali, kahapon ng hapon sa naturang lungsod.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na nasa pagitan ng edad na 40-45 taong gulang, nakasuot ng pink na t-shirt, maong na short pants, itim na jacket.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang unang madiskubre ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima ng isang dumaraang bystander sa ibaba ng gusali. Nakabaluktot ang katawan nito, nakasubsob sa kalsada habang nakataklob sa ulo ang jacket nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, wala pang residente ng naturang gusali ang lumalapit sa pulisya upang i-claim ang bangkay ng biktima. 

Nakipag-ugnayan na rin ang mga imbestigador kay Richard­ Sapat, administration officer ng Park Avenue Mansion, na nangako na aalamin kung tenant nila sa gusali ang naturang biktima.  

Show comments