MANILA, Philippines - Sinimulan nang wasakin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 3 milyong pisong halaga ng chemicals at mga laboratory equipments sa paggawa ng iligal na droga.
Ang nasabing mga kagamitan ay sinira sa Green Planet Management, Inc. (GPMI), ang pasilidad na accredited ng kagawaran sa pagsira nito na matatagpuan sa Punturin, Valenzuela City
Ayon sa PDEA, ang aktibidad ay bilang pagsunod sa alituntunin para sa kustodiya at disposisyon ng mga mapanganib na droga, controlled precursors at essential chemicals (CPECs) at laboratory equipment na kailangan sa ilalim ng Republic Act 9165 at DDB Regulation No.1, series of 2002.
Ang mga naturang kagamitan ay parte ng mga ebidensyang nasamsam ng PDEA mula sa drug operations kasama na rin ang operasyong ginawa ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BoC) at pribadong kompanya.