Dial, nananatiling BJMP chief

MANILA, Philippines - Nananatili sa puwesto bilang hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Director Rosendo M. Dial. Ito naman ang paglilinaw ni Sr. Insp. Roberto Gotico, hepe ng Community Relations Service bunsod na rin ulat na pinalitan na si Dial.

Ayon kay Gotico, ma­na­natili si Dial hangga’t wala silang natatanggap na kautusan para lisanin nito ang kanyang po­sisyon. Sa ilalim ng RA 9263, ang isang BJMP chief ay may maximum na apat na taon para magsilbi at si Dial ay nakatakdang magretiro sa 2015 pagsapit nito sa edad na 56. Samantala, nakuha na rin ni Sr. Supt. Gilberto Mar­puri ang kanyang one star rank. - Doris Franche at Ricky Tulipat

Show comments