Driver patay, 1 pa sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver habang sugatan naman ang barker nito, makaraang pagbabarilin sila ng isang lalaking nagkunwaring pasahero sa lungsod Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Jose Marvin Marin, 50, ng Rodriguez, Rizal habang ginagamot sa FEU Hospital si Ernesto Jolo, 36, ng #959 San Jose St., Brgy. Commonwealth.

Ayon sa pulisya, posibleng alitan sa kolorum na pampasaherong van ang nasa likod ng naturang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya,nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, malapit sa footbridge ng Manggahan ganap na alas-6:30 ng gabi.

Naghihintay ng pasahero si Marin nang sumakay ang suspect at walang sabi-sabing binaril ang una. Nakasalubong ng suspect si Jolo at ito naman ang binaril ng una at saka mabilis na tumakas. 

Show comments