Bagong buhay sa 'Taong Unggoy'

MANILA, Philippines - Itinuturing ni Paolo Cagomoc, ang tinaguriang ‘taong unggoy’ na panibagong buhay ang   biyayang kanyang natanggap mula sa pangulo ng Chinese General Hospital & Medical Center na si Dr. James Dy.

Si   Paolo ay kasalukuyang nagtatrabaho sa nasabing ospital at isa mga benipisaryo ng gift giving program ng asosasyon.

Nabatid na matagal nang ginagawa ng Philip­pine Chinese Charitable Asso­ciation, Inc na siyang namamahala sa CGHMC ang gift giving sa mga kapus-palad.

Laking pasasalamat naman ni Paolo na may sakit sa balat sa tulong ni Dr. Dy dahil nagkaroon siya ng lakas ng loob upang labanan ang buhay.

Ang mga nunal ni Paolo sa katawan ay patuloy pa rin sa paglaki.

Show comments