MANILA, Philippines - Bilang panimulang hakbang sa ikadarakip ng isang pulis-Maynila na inireklamo sa panggagahasa sa isang 30-anyos na vendor noong Disyembre 31 sa mismong headquarters ng Manila Police District, nagkaloob ng P100,000 ang isang Chinese civilian group sa sinumang makapagtuturo para sa ikadarakip nito.
Kinumpirma kahapon ni P/Supt. Nelson Yabut, hepe ng MPD-Public Safety Battallion na ang nabanggit na halaga ay tulong ng nasabing grupo sa layuning mabilis na maaresto ang suspect na si PO3 Antonio Bautista, dating nakatalaga sa MPD District Intelligence Division
Nabatid na nasampahan na ni MPD-Women and Children Concern Division, chief, C/Insp Anita Araullo sa Manila Prosecutor’s Office ng kasong robbery at rape si Bautista na patuloy pang nagtatago
Una nang napaulat ang reklamong panggagahasa ni Bautista kay “Eva” noong madaling-araw ng Disyembre 31, matapos itong bagansiyahin, kasama ang dalawa pang babae, sa Carriedo St., sa Sta Cruz, Maynila.
Kinuha ni Bautista ang laman ng wallet ni “Eva” na P4,00 kapalit ng kalayaan.