Patayan sa paputok

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang away-paputok kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 25-anyos na lalaki ng kanyang kaibigan sa panibagong karahasang naganap sa panulukan ng Rouble at Dollar Street sa Barangay North Fairview sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib si Jessie Apao ng Won Sreet. Phase 8 Brgy. North Fairview, Quezon City. Ayon sa ulat ni PO2 Loreto Tigno ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, huling namataang buhay si Apao na nakikipagtalo sa isang alyas Dogoy.

Namataan din ang biktima na nakipagsuntukan kay Dogoy bago ito matagpuang patay.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Show comments