Bangkay ng nalunod na swimmer narekober

MANILA, Philippines - Natagpuan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng nawawalang contestant sa swimming competition na nalunod noong Disyembre 26 sa Pasig River,

Ang bangkay ng biktimang si Gerald Pamplona, 24, pedicab driver ng Nueva St., Binondo, Maynila ay nawala  bago pa makarating sa finish line sa bahagi ng Muelle del Banco Nacional at makalipas ang 3 araw ay lumutang na ito dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa bahagi ng New Delpan Bridge, Binondo, Maynila.

Nabatid na noong nakalipas na taon, nag-organisa din ng swimming competition ang Uno Seafood Wharf Palace sa kung saan naging kampeon si Pamplona kaya muli itong lumahok noong Lunes subalit sinawingpalad na malunod.

Show comments