MANILA, Philippines – Pinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng American pedophile dahil sa kasong incest sa Tennessee.
Kinilala ni BI Officer in Charge Ronaldo Ledesma ang pugante na si Earl Raymond Hansen,62, na pinatapon sa Estados Unidos sakay ng Philippine Airlines flight to Los Angeles matapos itong maaresto noong Disyembre 3 ng mga operatiba ng BI Interpol unit sa kanyang inuupahang apartment sa Gingoog City, Misamis Oriental.
Sa bisa ng deportation warrant na pinirmahan ni Ledesma kayat naaresto ang Amerikano at bunsod na rin sa summary deportation order na inisyu ng BI board of commissioners.
Nilinaw ni Ledesma na si Hansen ay idineport dahil sa pagiging undocumented alien dahil sa kanselasyon ng pasaporte nito ng US State Department.
Iginiit ni Ledesma na hindi na maaring makabalik sa Pilipinas si Hansen dahil inilagay na ang pangalan nito sa immigration blacklist bunsod sa pagiging undesirable aliens.
Ayon naman kay Jerome Gabionza, BI-Interpol deputy chief for operations, na nag- isyu ng arrest warrant ang Clay County Circuit court sa Celina, Tennessee dahil sa kasong incest ni Hansen.