Lim namigay ng regalo sa mga pasyente

MANILA, Philippines - Sinorpresa ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga pasyente ng  Jose Abad Santos Mother and Child Hospital (JASMCH) nang mamahagi  ito ng Christmas gift packs bilang  bahagi ng unang  taong anibersaryo  ng  nasabing pagamutan.

 Kasama sina JASMCH director Dr. Teodoro Martin,  chief of clinics Dr. Helen Yulde at mga  ilang konsehal  nagsagawa ng paglilibot sa  ospital si Lim  upang personal  na  makita ang mga  naka-confine  na may sakit.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni  Lim na ang  nasabing ospital ay para sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong medical maging ito  man ay taga -Maynila o  hindi.

 Pinuri din ni  Lim si Martin at mga personnel nito sa  maayos na pagbibigay ng serbisyo sa lahat. Pinatunayan ni  Martin  ang kanyang  galing kung saan umaabot na sa 100,000 pasyente mula sa OB o obstetrics, pediatric, family medicine, outpatient, surgery, dental, laboratory at ophthalmology ang napagsilbihan hindi pa kasama ang 200 pas­yenteng sumailalim sa cataract  operations.

Show comments