MANILA, Philippines - Isang call center agent ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili makaraang layasan ng kanyang live-in partner matapos ang mainitang pagtatalo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Ron Ian Merza, ng Maganda St. Sampaloc, Manila.
Sa ulat ni SPO3 Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang madiskubre ni Maricel Tableina, live-in partner ng nasawi ang nakabiting bangkay ng karelasyon.
Nabatid na bago ang insidente nang pagpapatiwakal, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa noong Sabado ng gabi, kung saan umalis si Tableina at hindi na umuwi sa kanilang bahay.
Subalit nagpasiya ring bumalik ito, kamakalawa ng gabi gayunman huli na ang lahat nang matagpuang patay na ang biktima.