Sekyu todas sa kapwa sekyu

MANILA, Philippines – Patay ang isang guwardya matapos  itong barilin ng kanyang kasamahan makaraang magtalo hinggil sa kanilang pagdu-duty sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si  Bonie Reyes, 29, residente ng Tiera Nova, Bagumbong ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril. Nagsasagawa naman  ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Warlito Reyes, 50, isa ring guwardya ng Jericho Security Agency at nakatalaga sa Nova Romania Deparo at naninirahan din sa Tiera Nova, Bagumbong ng nabanggit na siyudad.Base sa isinagawang imbestigasyon,  naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa clubhouse ng Nova Romania Subdivision. Kasalukuyang naka-duty ang dalawang security guard nang bigla na lamang magsigawan ang mga ito kung saan ay pinagtatalunan ang tungkol sa kanilang oras sa duty.Makalipas ang ilang sandali ay bigla na lamang binunot ng suspek ang kanyang service pistol at saka pinagbabaril ang nabiglang biktima saka mabilis na tumakas.

Show comments