36 dagdag housing units, ipinamahagi

MANILA, Philippines –  Mayroon ng bagong urban­ poor community sa Sitio Pajo Brgy. Baesa, na kapa­palooban ng 36 na dagdag na housing units na bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng sapat at maayos na tirahan ang mga mahihirap na taga-Quezon City.

Ang 36 na bagong bahay ay nakapaloob na sa ka­buuang 325 bilang ng mga  GK housing units na na­itayo sa may  16,204 square meter Sitio Pajo pro­perty na pag aari ng QC gov’t. na nakuha sa National Power Corporation noong  2007. 

“This project is a showcase of the QC government’s transformative housing and community development strategy, with disaster risk management and upgrading of the quality of people’s lives at the heart development”, pahayag ni QC Mayor Herbert Bautista.

Ang mga bagong naipa­tayong multi-purpose building ay nai-turn-over ni Bautista sa komunidad sa isang simpleng okasyon. Sa kasalukuyan, may  P47 milyon ng lot acquisition, land development, flood control at road infrastructure development  ang lungsod sa  Sitio Pajo.

Ang mga benepisyaryo ng proyekto ay may pagkakataon namang bayaran ang pa­bahay sa loob ng 15 taon na may  28 square meters kada isa at may monthly amortization na P500. Kada lote ay may halagang  P56,000.

Show comments