Chinese nagbigti sa CR

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 64-anyos na babaeng Chinese ang sariling buhay sa pamamagitan nang pagbi­bigti sa loob ng comfort room ng kanilang tinutuluyang condominium unit sa Tondo, Manila, kamakalawa. Nakilala­ ang nasawi na si Chua Pue, ng 2209 Chinatown Steel To­wer, Asuncion Street, Tondo. Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa loob ng kanilang CR. Ayon sa asawa ng nasawi na si Tiu Ling, paulit-ulit umano niyang tinatawagan ang kanyang misis sa telepono pero hindi ito sumasagot. Hindi umano ito ang ordi­naryong kilos ng asawa, kaya’t nagpasya siyang umuwi ng bahay. Dito niya nadiskubre na nagbigti ang kanyang misis gamit ang kulay asul na telang isinabit sa iron grill ng bintana na nasa CR. Isinugod pa ng lalaki sa Mother and Child Hospital ang asawa ngunit patay na ito.

Show comments