MANILA, Philippines - Isang pitong buwang fetus na naman ang natagpuan habang nakalagay sa kahon ng sapatos at isinilid sa plastic bag sa Caloocan City kahapon ng umaga. Sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang lalaking fetus sa kahabaan ng Main Road, Phase 2, Package 2, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Nabatid na isang nagngangalang Aida Corales, kagawad ng Barangay 176 ang nag-report sa pulisya hinggil sa insidente.
Pinaniniwalaang biktima ng abortion ang fetus. May teyorya din ang pulisya, na residente rin ng naturang lugar ang may kagagawan ng naturang krimen.