Joy B. nanguna sa Women's Summit sa QC

MANILA, Philippines –  Pinangunahan at inorga­nisa ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang QC women summit ngayong taon na may 18 araw na kampanya laban sa “VAW” Violence against Women at may tema na “Magna Carta ni PiNay, Gawing Tunay! Karahasan sa Kababaihan, Wakasan”

Katulong ng tanggapan ni Vice Mayor Belmonte ang Gender and Development and Resource Coordinating Office sa kampanya laban sa VAW.

Layunin din ng summit na makalikha ng programa ang lokal na pamahalaan para sa promosyon at panganga­laga sa mga kababaihan, makabuo ng mga solusyon sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga kababaihan sa ngayon at malaman ang mga usapin at solusyon dito para sa kaukulang hakbang.

Sa suportang pinagka­kaloob dito ng lokal na pa­ma­halaan sa ilalim ng pa­ngasiwaan ni QC Mayor Herbert Baustista at Vice Mayor Belmonte mas maayos na maipagkakaloob ang anumang serbisyo na dapat maipagkaloob sa mga kababaihan sa lungsod.

Show comments